home English Tracks Gloc-9 (Ft. Denise Barbacena) – Dapat Tama Lyrics

Gloc-9 (Ft. Denise Barbacena) – Dapat Tama Lyrics

Song Info: Presenting you Gloc-9 (Ft. Denise Barbacena) – Dapat Tama Lyrics.

Gloc-9 (Ft. Denise Barbacena) – Dapat Tama Lyrics

[Chorus: Denise Barbacena]
Dahil sa dulo, bawal ang kakamot kamot
Sa katanungang harap-harapang i-aabot
Sinong pinili? ‘Pag ang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama

[Verse 1: Gloc-9]
Alam natin ang tama, ba’t ‘di natin ginagawa?
Paulit-ulit na lang na ito ang bagong simula
Simula nang simula, bakit walang natatapos?
Atras abante lagi, pudpod na swelas ng sapatos
Ilang beses nangako, ilang beses napako
‘Bat di natin subukan at tulungan at umako?
Bumahagi sa bigat na matagal na nating pasan
Pag tayo’y nagsama-sama, lahat ay malalampasan
May mas maayos na bukas para sa’ting mga anak
Ang unang hakbang ay piliin ang tamang nakatatak
Na pangalan sa balota, ‘wag na tayong magpa-uto
Na sa’tin ang kapangyarihan pag tayo ang kumibo
Nanggigigil mong itigil ang ‘pag pagsisi sa sutil
Na nasa pwestong ‘di ka na kilala kapag siningil
Sa lahat ng kanyang pangakong patagal ng patagal
Kung ‘di tayo kumbinsido, wag na nating ihalal

[Chorus: Denise Barbacena]
Dahil sa dulo, bawal ang kakamot kamot
Sa katanungang harap-harapang i-aabot
Sinong pinili? ‘Pag ang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama

[Post-Chorus: Gloc-9, Denise Barbacena]
Sa isip at sa salita (Dapat tama)
Lalong lalo na sa gawa (Dapat tama)
Sama-sama nating itama ang mali (Dapat tama)
Nang ang bayan natin makabangon muli (Dapat tama)
Sa isip at sa salita (Dapat tama)
Lalong lalo na sa gawa (Dapat tama)
Sama-sama nating itama ang mali (Dapat tama)
Nang ang bayan natin makabangon muli
Dapat tama

[Verse 2: Gloc-9 with Denise Barbacena]
Itama natin ang gabay, ‘wag na tayong mag reklamo
Itaas ang kamay ng gusto ng pag-asenso
Balikat na magka-akbay, hindi tayo susuko
Malakas na boses, sabay-sabay mangako
Itama natin ang gabay, ‘wag na tayong mag reklamo
Itaas ang kamay ng gusto ng pag-asenso
Balikat na magka-akbay, hindi tayo susuko
Malakas na boses, sabay-sabay mangako

[Verse 3: Gloc-9]
Kung walang magpapaloko, wala nang mangloloko
Ang mga bontanteng Pilipino ay ‘di mga bobo
Lumiyab ‘pag madilim, ituwid ang tiwali
‘Di gan’on kasimple ‘to, ‘di kailangang magmadali
Ang tiwalang inagaw sa tao ng maning-mani
Kahit saan natin pilitin at tigna’y maling-mali
Umahon sa kahirapan at lumangoy sa kumunoy
Kahit ano pang iharang at tumuloy nang tumuloy
Pagdating ng eleksyon, ito ang dapat na panata
Isulat ang kung sino ang talagang sa tingin mo’y tama
At sa araw na napakabihira lang dumaan
Dapat sa may katuturan, ‘wag kang mag-aalangan
Na hawakan ang lubid na siyang nagsisilbing tulay
Gisingin natin ang tulog, tuloy tuloy na mag-ingay
Nang malaman ng lahat sumugaw sabay-sabay
Kinabukasan ng bayan ay na sa’ting mga kamay

[Chorus: Denise Barbacena]
Dahil sa dulo, bawal ang kakamot kamot
Sa katanungang harap-harapang i-aabot
Sinong pinili? ‘Pag ang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama

[Post-Chorus: Gloc-9, Denise Barbacena]
Sa isip at sa salita (Dapat tama)
Lalong lalo na sa gawa (Dapat tama)
Sama-sama nating itama ang mali (Dapat tama)
Nang ang bayan natin makabangon muli (Dapat tama)
Sa isip at sa salita (Dapat tama)
Lalong lalo na sa gawa (Dapat tama)
Sama-sama nating itama ang mali (Dapat tama)
Nang ang bayan natin makabangon muli
Dapat tama

This is the end of the Lyrics

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *